- HOME
- 起業(創業)の支援
- Aichi Foreign Entrepreneur & Manager Support Center (Filipino)
起業(創業)の支援
Aichi Foreign Entrepreneur & Manager Support Center (Filipino)
日本語 English 中文 Português Tiếng Việt
Nagbibigay kami ng libreng konsultasyon tungkol sa pagsisimula/pagtatatag ng negosyo at pangkalahatang pamamahala ng negosyo para sa mga dayuhang negosyante at tagapamahala sa loob ng Aichi Prefecture.
| Petsa at oras ng konsultasyon (kailangan ng maagang pagpapareserba) |
| Lunes hanggang Biyernes: 9:00 a.m.–5:30 p.m. (maliban sa mga pambansang pista opisyal at itinakdang araw ng pahinga, at sa katapusan at simula ng taon) |
| Paraan ng pagtanggap |
| ① Telepono [English/Japanese] Martes/Biyernes: 1:00–5:00 p.m. (maliban sa mga pambansang pista opisyal at itinakdang araw ng pahinga, at sa katapusan at simula ng taon) 052ー563-1435 ② Web form [English/Chinese/Portuguese/Japanese/Vietnamese/Filipino] Input form ng konsultasyon sa web>> |
<Proseso ng konsultasyon>
Makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng telepono o web form.
Magtatalaga ng angkop na dalubhasa para sa nilalaman ng konsultasyon at pipili ng araw para sa konsultasyon.
Pakikipanayam kasama ang isang dalubhasa (Magtatalaga ng interpreter kung kinakailangan)
| Mga pangunahing nilalaman ng konsultasyon |
| ◇ Status of residence ◇ Pagtatatag ng kumpanya ◇ Proseso ng pagbibigay ng permit
◇ Pagbuo ng plano ng negosyo ◇ Pinansyal na pagpaplano ◇ Paglilinang sa merkado ◇ Pagsasapubliko/pagpapalaganap ◇ Accounting/buwis ◇ Social insurance/pamamahala sa paggawa ◇ Kasanayan sa pangangalakal ◇ Pagpapabuti ng pamamahala ◇ Pagmamana ng negosyo ◇ Paggamit ng IT ◇ Batas tungkol sa pamamahala ◇ Mga kaugalian sa negosyo sa Japan *Ang serbisyo ng konsultasyon na ito ay nagbibigay ng payo, impormasyon atbp. para sa mga gumagamit. |
<Tungkol sa pagkansela ng appointment>
Mangyaring iwasan ang pagkansela nang walang abiso. Kapag nagpatuloy ang pagkansela nang walang abiso, maaaring tanggihan ang pagkuha ng appointment mula sa susunod. Kung sakaling mahuhuli sa oras o ikakansela ang appointment, mangyaring makipag-ugnayan sa mapagtatanungang nakasulat sa ibaba sa lalong madaling panahon.
| Tel | 052-563-1435 | [English / Japanese] Martes / Biyernes 1:00 p.m. to 5:00 p.m. (liban sa pista opisyal, katapusan at simula ng taon) |
| 052-715-3075 | [Japanese] Lunes – Biyernes 9:00 a.m. to 5:00 p.m. (liban sa pista opisyal, katapusan at simula ng taon) |
Mag-click dito para makita ang flyer
Aichi Foreign Entrepreneur & Manager Support Center
Start-up and new business development group,
Aichi Industry Promotion Organization
Aichi Industry & Labor Center (WINC AICHI) 14F floor
4-4-38 Meieki, Nakamura-ku, Nagoya 450-0002
Telephono: 052-563-1435(Martes/Biyernes: 1:00–5:00 p.m.)
(maliban sa katapusan at simula ng taon at mga pista opisyal)












